Bumaba ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at bumaba rin ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, ayon sa pinakabagong Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia.
Mula sa 55 porsyentong approval rating noong Marso, bumaba ito sa 53 porsyento nitong Hunyo.
Samantala, ang trust rating ng Pangulong Marcos ay bumaba mula 57 porsyento noong Marso patungong 52 porsyento nitong Hunyo.
Tumaas naman ng 2 puntos ang approval rating ni Vice President Sara Duterte, mula sa 67 porsyento noong Marso patungong 69 porsyento nitong Hunyo. Walang pagbabago sa kanyang trust rating, na nanatiling 71 porsyento mula Marso hanggang Hunyo ng taong ito.
Samantala, sa Luzon nagmula ang pinakamalaking pagbaba ng approval rating ni Pangulong Marcos, na bumaba ng 9 porsyento, mula sa 66 porsyento noong Marso patungong 57 porsyento nitong Hunyo.
Ang pagbaba ng 2 puntos sa approval rating ni Pangulong Marcos ay nagmula sa Mindanao, mula sa dating 40 porsyento naging 38 porsyento.
Sa kabila nito, nakamit ni Pangulong Marcos ang 14-point increase sa National Capital Region, mula sa 47 porsyento patungong 61 porsyento, at ang 2-point increase sa Visayas, mula sa 54 porsyento naging 56 porsyento.
Bumagsak din ang approval rating ni Pangulong Marcos ng 13 porsyento mula sa Class ABC, 3 porsyento mula sa Class D, at 4 porsyento mula sa Class E income bracket.