Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes sa Kongreso ang 2025 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.325 trilyon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasama sa panukalang budget ang confidential at intelligence funds (CIF) na bumaba ng 16 porsyento kumpara sa 2024 General Appropriations Act.
Sa P6.352 trilyong panukalang badyet, P977.6 bilyon ang ilalaan sa edukasyon, P900 bilyon sa DPWH, P297.6 bilyon sa DOH na mas mababa kumpara sa P308.3 bilyon ngayong taon, P278.4 bilyon sa DILG, at P256.1 bilyon sa DND na tumaas ng P15.5 bilyon mula sa kasalukuyang P240.6 bilyon.
Ang budget ng DSWD ay P230.1 bilyon, na mas mababa kumpara sa P248.1 bilyon ngayong taon. Ang DA ay may P211.3 bilyong budget, na bumaba rin mula sa kasalukuyang P221.7 bilyon. Samantala, ang DOT ay mayroong P180.9 bilyon, na tumaas mula sa P73.9 bilyon.
Ang judiciary ay may budget na P63.6 bilyon, habang ang DOJ ay may P40.6 bilyon.