Isinailalim sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila at mga kalapit na lugar nitong Martes ng hapon.
Ayon sa PAGASA, ang southwest monsoon o habagat ang sanhi ng pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Bataan, Zambales, at ilang bahagi ng Batangas kabilang ang mga bayan ng Tuy, Nasugbu, Lian, Calatagan, at Balayan.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng Orange Rainfall Warning ay makakaranas ng malalakas na pag-ulan na aabot mula 15 hanggang 300 milimetro. Dahil dito, posible ang mga pagbaha at landslide kaya’t pinapayuhan ang publiko na mag-ingat.
Nakataas ang Yellow Rainfall Warning sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Laguna, at buong Batangas. Nagbabala ang PAGASA tungkol sa posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa mga nasabing lalawigan.
Taglay ni Carina ang lakas ng hangin na 140 kph at bugso na 170 kph, at ito ay kumikilos sa direksyong pakanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, habang Signal No. 1 naman ang nakataas sa buong Batanes; Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands; silangang bahagi ng Isabela; hilagang bahagi ng Apayao; hilagang bahagi ng Ilocos Norte; Dilasag at Casiguran sa lalawigan ng Aurora; Polillo Islands; Calaguas Island; at hilagang bahagi ng Catanduanes.
Si Carina ay inaasahang magla-landfall sa hilagang bahagi ng Taiwan sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes ng umaga, at lilisanin ang Philippine Area of Responsibility ilang oras pagkatapos nito.