Taos-pusong ipinaaabot ang pasasalamat kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Louise “Liza” Marcos, at sa tanggapan ng Department of Health (DOH) para sa pagkakaloob sa lalawigan ng Quezon ng Bagong Pilipinas Mobile Clinic.
Personal na tinanggap ito ni Governor Doktora Helen Tan sa isinagawang programa ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 17 sa Tagaytay City kung saan ay natanggap rin ito ng 16 pang probinsya sa Pilipinas.
Malaking tulong naman ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kalalawigan naninirahan sa mamalayong lugar lalo’t higit ito ang pangunahing layunin ng ina ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, kargado ng bagong mobile clinic ang ilang medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spirometer, infrared forehead thermometer at generator.
Source: Provincial Government of Quezon/QPIO