Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station noong Hunyo, 58 porsyento ng mga pamilyang Filipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Mas mataas ito ng 12 puntos kumpara sa 46 porsyento na naitala noong Marso 2024.
Ito ang pinakamataas na porsyento mula sa 59 porsyento na naitala noong Hunyo 2008.
Tinatayang 19 milyong pamilya ang nagpakilalang self-rated poor noong Hunyo 2024, na mas mataas kumpara sa 12.9 milyon noong Marso 2024.
Samantala, 12 porsyento ng mga pamilya ang itinuturing ang kanilang sarili na borderline poor, habang 30 porsyento ang hindi itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
“Ipinakita ng SWS na ang self-rated poverty ay pinakamataas sa Mindanao sa 71 porsyento, sinundan ng Visayas sa 67 porsyento, Balance Luzon sa 52 porsyento, at Metro Manila sa 39 porsyento,” ayon sa ulat ng SWS.
Ayon sa mga self-rated poor families, kailangan nila ng P15,000 buwanang budget upang hindi ituring ang kanilang sarili na mahirap.
Ang survey ay isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 na matatanda.